Delivery Driver

20K Grant, hatid ng Lalamove para sa pamilya ng 100 Partner Drivers

featured image

Kilala bilang delivery heroes, kumakayod para sa kanilang mga pamilya -- 'yan ang mga Bossing Partner Drivers ng Lalamove!

Kamakailan ay ginawaran namin ang 100 Partner Drivers at ang kanilang mga anak o kapatid ng PHP 20,000 educational grant. Sila ang mga masuswerteng napili mula sa libo-libong nag-apply sa kauna-unahang BiyahEdukasyon program ng Lalamove.

Maraming mga kwento mula sa kani-kanilang mga tunay na buhay. Mas lalo pa naming nakilala ang ating mga Bossing sa kalsada.

Dalawa sa 100 na awardees ay si Fredinel at Dennis, matagal ng Lalamove Partner Drivers, na nagbahagi ng kanilang mga istorya.

Para kanino nga ba sila bumabiyahe? Tara't alamin natin at kilalanin natin sila.

 

Gusto mo rin bang maging delivery hero ng Lalamove?

REGISTER NA

 

Malaking tulong para sa pamilya

Para kay Fredinel Lopez, isang Lalamove Partner Driver na taga-Manila, napakalaking tulong ng educational financial assistance na binigay ng Lalamove. Kwento ng 41-taong-gulang na delivery driver, pito ang kanyang mga anak na pinapaaral.

Nang malaman niyang mayroong BiyahEdukasyon program ang Lalamove, agaran siyang nag-apply para matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak na si Daniella, isang Senior High School student.

 Lalamove-BiyahEdukasyon-awardee-Fredinel-Lopez-receives-award-with-Djon-Nacario

IN PHOTO: (L-R) Lalamove BiyahEdukasyon awardees Fredinel Lopez at Daniella Lopez, kasama si Lalamove Philippines Managing Director Djon Nacario.

Consistent na honor student si Daniella, ayon kay Fredinel, kaya naman talagang nagbakasakali siya sa programang ito. Laking tuwa niya ng makita ang announcement ng Lalamove sa mga masuswerteng awardees na napili.

Bilang isa sa mga awardees, malaki ang pasasalamat ni Fredinel sa Lalamove.

Wika niya, "Napakalaki ng naging tulong ng Lalamove para sa akin at sa aking pamilya. Dahil sa financial aid na ito, mas masusuportahan ko pa ang pagpupursige ng aking anak sa pag-aaral at pagpapatuloy na maging honor student."

 

Para sa katuparan ng mga pangarap

Ayon kay Dennis Pagtalunan, napakagandang blessing para sa kanilang pamilya na isa siya sa mga napiling awardees ng BiyahEdukasyon program.

Kwento niya, matagal na siya sa Lalamove. Nagsimula siya noong 2019 bilang isang motorcycle delivery driver, at ngayon ay nagmamaneho na ng isang 1,000KG truck.

Kahit pamilyado na si Dennis, siya ang nagpapaaral sa kanyang kapatid na si Danilo. Ibinihagi ni Pagtalunan, "Sampu kaming magkakapatid, dalawa lang ang nakapag-aral at umabot hanggang high school. College na si Danilo at isang Criminology student. Pangarap po kasi niyang maging isang pulis, at tinutulungan ko po siyang matupad ang pangarap niyang 'yon."


Dennis

IN PHOTO: (L-R) Lalamove BiyahEdukasyon awardees Dennis Pagtalunan at Danilo Pagtalunan, isa sa 100 beneficiaries na dumalo sa awarding ceremony.

 

Nang mapili bilang isa sa mga 100 na beneficiaries ng BiyahEdukasyon program, kwento ni Dennis, "Sa tulong po ng programang ito, halos limang buwan na tuition ang mababayaran ko para sa kapatid ko. Masaya po kami na napili kami. Maraming salamat, Lalamove."

Nagpasalamat rin si Danilo sa kanyang kuya na kumakayod para tugunan ang kanyang pangangailangan.

Wika ni Danilo, "Nakikita ko po 'yung pagsusumikap ni kuya. Minsan, sinasamahan ko po siyang mag-deliver bilang pahinante niya. Nagpapasalamat ako sa kuya ko sa walang-sawang pagtulong at pagsuporta niya sa akin. Para sa'yo ito, kung bakit ako nag-aaral. Para matupad na ang pangarap ko para sa pamilya natin."

 

Hatid ng Lalamove para sa pamilya ng Partner Drivers

Isang simpleng tanong -- "Para kanino ka bumabiyahe?"

Matagal ng commitment ng Lalamove ang matugunan ang mga pangangailangan ng mga partner driver community, kaya naman binuo namin ang Panalomove Benefits.

Pero higit pa dito, nais ng Lalamove na makapagpaabot ng suporta para sa mga pamilya ng Partner Drivers, dahil lahat ng ginagawa nila, lahat ng orders na kinukuha nila, lahat ng kinikita nila, ay para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Bunga ang BiyahEdukasyon program ng adhikain ng Lalamove na matugunan ang mga pangangailangan ng Partner Drivers para sa kanilang family members. Anak o kapatid, naniniwala ang Lalamove na ang edukasyon ay susi tungo sa mas magandang kinabukasan para sa aming delivery drivers. 

Maliban pa dito, nalaman naming base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), 81.4 percent lamang ng mga kabataang edad lima hanggang 24 taong gulang ang kayang makapag-aral. Kasama sa mga rason kung bakit ganito kataas ang bilang ay dahil kasalukuyan silang nagtatrabaho (19.7 percent) at ang malaking gastos na kailangan para makapag-aral (9.9 percent).

Dahil malaki ang pasasalamat ng Lalamove sa ating mga delivery heroes, itong programang ay para sa inyo.

 

Balikan natin ang tuwa at ngiti ng 100 partner drivers at ng kanilang mga beneficiaries sa nakalipas na BiyahEdukasyon Awarding Ceremony!

 

Commitment sa ating magigiting na Partner Drivers

Libo-libong mga istorya ng tagumpay, pagsusumikap, at pagpupursige ang sinala ng Lalamove mula September 29 hanggang October 29. Ang isang daan sa mga ito, nakita at nakilala namin sa BiyahEdukasyon awarding ceremony.

Ito ang mga tunay na buhay ng ating mga Partner Drivers mula sa mahigit isang daang serviceable areas ng Lalamove sa kabuuan ng Luzon at Cebu.

Higit 300 ang dumalo sa nasabing kaganapan noong November 22 sa SMX Convention Center, kung saan kinilala ang 100 BiyahEdukasyon awardees -- 100 Lalamove Partner Drivers kasama ang kanilang mga minamahal na anak o kapatid mula Luzon at Cebu.

IMG_1383

Giit ni Lalamove Philippines Managing Director Djon Nacario, ang BiyahEdukasyon program ay para sa katuparan ng mga pangarap ng ating mga Bossing.

"Simple ang aming mission: siguruhing matagumpay ang aming delivery drivers at ang ibang communities na aming tinutulungan sa lahat ng aspeto ng buhay. Testamento ang programang ito sa aming commitment na magpatuloy sa paggawa ng positibong pagbabago at pagpapabuti ng mga buhay ng aming mga masisipag na Partner Drivers," wika ni Nacario.

Dagdag pa niya, ang BiyahEdukasyon program ay, higit sa nagpapatibay ng tuloy-tuloy na commitment ng Lalamove para sa mga Partner Drivers, nagbibigay halaga sa education sector na nais ring suportahan ng leading on-demand delivery app sa Pilipinas.

Suportado rin ni Senator Win Gatchalian ang nasabing programa. Sa isang recorded message na ipinalabas sa mismong awarding ceremony, ika niya, "Sa paglulunsad ng BiyahEdukasyon, hindi lang natin binibigyang halaga ang edukasyon; binibigyang-buhay din natin ang pangarap ng ating partner drivers na maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak at kapatid."

Dagdag pa ni Gatchalian, "Hangad ko na patuloy tayong maging bahagi ng mga hakbang tungo sa pag-usbong ng edukasyon. Tayo ay maging bahagi ng biyaheng punong-puno ng pag-asa para sa ating mga kababayan at para sa ating bansa."

 

 

Sino nga ba ang mga Bossing ng Lalamove? Panoorin ito para kilalanin ang ating mga delivery driver heroes on the road.

 

 

 

Read more

Need to book a delivery?