Babae sa Manibela: Tapat na Single Mom Lady Driver ng Manila
Sipag ang magpaparami ng iyong kita pero ang pagiging tapat ang magpapanatili sa’yo sa daan.
Ito si Lea Braganza, isang single mom na motorcycle Lalamove driver ng Manila. Madalas siyang pinagkakatiwalaan ng mga customer na laging na s-scam dahil sa pagiging tapat niya sa kaniyang trabaho.
Ngayong International Women's Month 2024, gusto namin magbigay-pugay sa aming masisipag na lady drivers, alamin ang kwento ni Bossing Lea dito!
Gusto mo rin ba maging lady driver sa Lalamove?
Kilalanin si Lea
Si Bossing Lea ay 48 years old, isang single mom na may isang anak at driver on hire sa Lalamove mula 2022. 12 years na siya sa kaniyang full-time na trabaho sa isang trucking company na nag a-asikaso ng operations habang part-time naman siyang Partner Driver para may extra kita.
"Yung kailangan kong gamot sa araw-araw, nasa worth ₱600 a day pang-maintenance at dito ko talaga 'yun nakukuha sa pag la-Lalamove ko."
- Lea Braganza, Lalamove Lady Driver
Dahil sa pagbiyahe niya araw-araw, nakakabili siya ng hindi lang mga pangangailangan, kundi pati na rin mga gusto niya kahit kailan. Maliban diyan, nag vo-volunteer work rin siya at tumutulong sa kanilang komunidad! Napaka laking responsibilidad na ang maging ina pero nagagawa parin tumulong ni Lea sa kapwa.
“Mas kumportable po kasi ako sa Lalamove compared sa iba at pag kumportable na ako, hindi ako basta-bastang umaalis. Ganun ang prinsipyo ko bilang babae. Nagkakaron kasi ako ng work-life balance sa pagiging part-time lady driver kaya napupunan ko parin lahat ng responsibilidad ko sa buhay."
- Lea Braganza, Lalamove Lady Driver
Sa dami ng resposibilidad niya, pabor sa kaniya ang trabaho bilang lady driver sa Lalamove dahil siya ang sarili niyang bossing! Hawak mo ang oras mo sa Lalamove. Kung gusto mo rin maging Lalamove driver tulad ni Lea, tingnan ang Lalamove Requirements dito.
#BuhayLadyDriver
Mag da-dalawang taon na si Lea sa Lalamove at laging mataas ang nire-rate sakaniya ng customers.
Kwento niya, "Meron akong chinese customer na nung minsan, nagpadala siya ng order na ang kailangang bayaran ng buyer niya ay nasa halagang ₱13,000. Sa dalas niya magpa deliver sakin, kahit isang ID ko, hindi na nila pinapaiwan. Dahil sa na-scam sila dati, ako na po ang laging tinatawagan para ipagkatiwala ang pag-deliver ng mamahalin nilang mga produkto." 'Yan ang tapat at maaasahang serbisyo!
Malakas ang loob niyang tumanggap ng iba't-ibang delivery dahil na rin sa pagiging likas na babae niya. "Saakin kasi, kung kaya ng lalake, kaya rin ng babae. At isa pa, normal sa babae ang hindi bara-bara. Kung gaano kaayos at linis sa bahay, ganun din ako sa mga gamit ko pandeliver para assured lagi ang aking customers na 100% safe ang parcel." dagdag pa ni Lea.
"Parang sa opisina lang 'yan, contractual ka bago ka maging regular employee. Hindi mo makukuha ang tagumpay na gusto mo 'pag wala kang tiyaga. Part-time ako pero yung gusto kong makuha sa isang araw, mas sobra pa doon yung kinikita ko."
- Lea Braganza, Lalamove Lady Driver
Walang ngang duda ang tiyaga at lakas ni Lea! Mas u-unlad ang buhay 'pag tapat ka mag trabaho. Saludo kami sa'yo, Bossing Lea! Isa ka sa inspirasyon ng maraming lady drivers hindi lang sa Manila, kundi pati rin sa Cebu at Pampanga.
Isa ka na bang lady driver at gusto mo bang magsimula ng business? Maging isa sa 3 na mapipiling Lalamove Lady Bossing na makakatanggap ng Grocery Package worth PHP 30,000 at PHP 10,000 Lalamove Wallet Credits! Apply na sa Panalong PangNegosyo hanggang April 11, 2024.
Alam mo ba na sulit ang kada-biyahe dahil sa Exclusive Panalomove Driver Benefits? Sumali na rin sa Driver Referral Program para ma-enjoy ang mga benepisyo, maghikayat ng ibang tropa sa daan at makatulong sa future Lalamove drivers! Tingnan pa ang Babae sa Manibela: Lakas ng Kauna-unahang Cebu Lady Driver dito. Happy Women's Month, mga bossing!
Simulan ang iyong journey bilang Lalamove Lady Bossing!
SEE ALSO:
• #BreakTheBias: Lalamove Lady Bossings
• Babae sa Manibela: Lakas ng Kauna-unahang Cebu Lady Driver
• Lalamove Lady Bossings break the bias in the delivery industry