Delivery Driver

Babae sa Manibela: Lakas ng Kauna-unahang Cebu Lady Driver

featured image

Ang lakas ng babae ay laging nanggagaling sa kung ano ang malakas sa kanyang puso.

Kinaya at kinakaya ang mga hamon sa buhay pati na rin sa kalsada, iyan ang storya ni Bernadette, ang kaisa-isa at unang babaeng Lalamove Pickup Truck driver sa Cebu.

Ngayong International Women's Month 2024, gusto naming magbigay-pugay sa aming masisipag na lady drivers, alamin ang kwento ni Bossing Bernadeth dito!

 


Gusto mo rin ba maging lady driver sa Lalamove?

REGISTER NA

 

 

lalamove-driver-bernadeth-cebu

Kilalanin si Bernadeth

Nakatira sa Consolacion, Cebu, si Bernadeth Alcantara ay part-time Lalamove 600kg Pickup Partner Driver. Naging malaking bahagi na ng pang araw-araw niya ang Lalamove simula 2023 habang ipinagsasabay niya ang pagde-deliver sa isa pa niyang trabaho bilang cook sa isang restaurant sa Consolacion.

Sipag ang kaniyang panangga sa pagod ng paggising araw-araw bilang cook mula 6AM, tsaka ba-byahe para kumuha ng naman ng orders bilang Partner Driver mula 2PM hanggang gabi. Iyan ang pang araw-araw ni Bernadette, at hindi rin nya pinapalampas ang weekends para ma-maximize pa rin ng kikitain sa pag-ikot sa Mandaue, Lapu-Lapu at Cebu City.

 

lalamove-truck-driver-cebu

“Nanggagaling ang lakas ko sa anak ko”
- Bernadeth Alcantara, Lalamove Lady Driver



Kinakaya niya pagsabayin ang dalawang trabaho upang paaralin ang kaniyang dalawang anak. Ang isa niyang anak ay nasa Kolehiyo na rin at naging mapalad na beneficiary ng BiyahEdukasyon, isang Partner Driver Financial Assistance Program, na ginawa noong November 2023.

 

 

lalamove-cebu-driver

#BuhayLadyDriver

Dahil sa ipinasok niyang sasakayan pang deliver, karamihan ng nakukuha niyang gamit na ide-deliver ay pang Lipat Bahay, katulad ng furniture, sofa sets, bed frame at iba pang appliances. Hindi naging hadlang para kay Bernadeth na ipagpatuloy ang Multicab Delivery sa kabila ng pagod ng pagbubuhat ng mga gamit.

Lagi naman siyang may kasamang Assistant habang bumabyahe dahil required ito para sa 600kg delivery. Ngunit kahit handa sa pagbubuhat si Bernadette at ang kaniyang kasama, nakakaranas pa rin sya ng paminsan-minsang diskriminasyon kapag nalalaman ng client na babae ang driver.

Minsan hindi pa niya natatawagan, naca-cancel na agad ang order kapag nalamang babae ang truck driver.

Para kay Bernadeth, iniintindi niya nalang na hindi maiiwasan na may ganito pa ring pananaw ang iba, na pag babae, may pagdadalawang-isip kung kaya ba ang bigat ng trabaho sa kalsada.

Kahit ganon, hindi niya ito dinadamdam at patuloy lang na kumukuha ng next order dahil mas matimbang ang kaniyang motivation sa pagde-deliver. 'Yan ang bossing! Lakas nang loob ang pinaka puhunan.

 

"Kahit medyo may discirimination parin, patuloy lang ang trabaho para sa pamilya namin kasi napaka laking tulong ng Lalamove. Patuloy lang."
- Bernadeth Alcantara, Lalamove Lady Driver

 

Sabi niya rin na pagbubutihin niyang alagaan ang kaniyang kalusugan para lalong lumakas at makakuha ng mas malalaki at mabibigat na delivery! Lalo na't pickup truck ang kaniyang sasakyan. Bilib kami sa'yo, Bossing! Kung gusto mo rin maging lady driver tulad ni Bernadeth, tingnan ang Lalamove Requirements dito. 

 

lalamove-truck-driver

"Pinagbubutihan ko bawat delivery para magulat sila at sabihing "Wow babae, pero ang lakas!""
- Bernadeth Alcantara, Lalamove Lady Driver

 

 

Walang ngang duda ang lakas ni Bernadeth at dahil sa pagsikap para sa pamilya, siguradong matutupad niya rin ang kanyang mga pangarap. Saludi kami sa'yo, Bossing Bernadeth! Isa ka sa  inspirasyon ng maraming lady drivers hindi lang sa Cebu, kundi pati rin sa Manila at Pampanga. 

Isa ka na bang lady driver at gusto mo bang magsimula ng business? Maging isa sa 3 na mapipiling Lalamove Lady Bossing na makakatanggap ng Grocery Package worth PHP 30,000 at PHP 10,000 Lalamove Wallet Credits! Apply na sa Panalong PangNegosyo hanggang April 11, 2024.

Alam mo ba na sulit ang kada-biyahe dahil sa Exclusive Panalomove Driver Benefits? Sumali na rin sa Driver Referral Program para ma-enjoy ang mga benepisyo, maghikayat ng ibang tropa sa daan at makatulong sa future bossings!

 

 

 

Simulan ang iyong journey bilang Lalamove Lady Bossing!

REGISTER NA

 

 

 

 

SEE ALSO:
#BreakTheBias: Lalamove Lady Bossings
Lalamove Lady Bossings break the bias in the delivery industry
Ang LALALove Story nina Bossing Janet & Bossing Lalaine

 

Read more

Need to book a delivery?