Delivery Benefit

Panalomove: Libreng Medical Consultation at Healthcare Discounts mula sa ALLCARE para sa mga Lalamove Driver

Mahalaga para sa amin ang kalusugan ng mga Partner Driver, lalo na sa panahon ng pandemya. Kaya naman kasama ang ALLCARE, hatid ng Lalamove ang mga medical consultations at discount sa healthcare products para sa mga Partner Driver. Bukod pa dito, may premium add-ons pa na makakatulong para mas maging ligtas ang buong pamilya. Basahin na ang buong detalye ng benepisyong ito hatid ng Lalamove para sa aming mga delivery driver

ANO?

Mga Libreng Panalomove Offers
- Libreng 24/7 telehealth service

- Libreng eye exam

- Discount sa Eyeglass Frames at Lenses

- Libreng 2 mental health session

Mga Premium Add-On Benefits
- COVID19 Life and Hospitalization Benefit

- Personal Accident Insurance with Motor Vehicle Benefit

- Life and Personal Accident Insurance without MV Benefit

- Telehealth Family Plan ***

- Maxicare EReady Advance

SINO?

Lahat ng Partner Driver na naka-complete ng at least 1 order sa loob ng 1 buwan mula sa pag-register

PAANO?

Para sa mga Libreng Panalomove Offers

1. Makakatanggap ng SMS na may sign up link ang mga qualified na Partner Driver mula sa ALLCARE.

2. Kailangan mag-sign up ng Partner Driver sa link at i-fill up ang info na kinakailangan kasama ng mga requirements.

3. Ive-verify ang account sa loob ng 24-48 oras.

4. Para makuha ang libreng Panalomove offer, kailangan mag-log in ni Partner Driver sa kanilang account at i-select ang benefits na gusto nilang makuha.
(ALLCARE Web App > MyBenefits Dashboard o i-type ang allcare.ph/account/all-benefits)

Para sa mga Premium Add-On Benefits

1. Makakatanggap ng SMS na may sign up link ang mga qualified na Partner Driver mula sa ALLCARE.

2. Kailangan mag-sign up ng Partner Driver sa link at i-fill up ang info na kinakailangan kasama ng mga requirements.

3. Ive-verify ang account sa loob ng 24-48 oras.

4. Para makuha ang libreng Panalomove offer, kailangan mag-log in ni Partner Driver sa kanilang account at i-select ang benefits na gusto nilang makuha.
(ALLCARE Web App > MyBenefits Dashboard > Other Benefits)

5. Ifi-fill up ni Partner Driver ang order form.

6. Hihintayin ni Partner Driver ang validation at payment details mula sa ALLCARE sa loob ng 24-48 oras.

7.Babayaran ni Partner Driver ang benefits via GCash
(para sa installment terms, makatatanggap ng monthly SMS reminder si Partner Driver)

8. Magse-send si Partner Driver ng proof of payment sa ALLCARE via email, Viber, o Facebook
Messenger.

 

Gusto mo bang makita ang iba pang Panalomove?

Tingnan ang mga benepisyo


Narito ang buong detalye ng benepisyong pwede mong makuha, Partner! Lahat ito ay valid ng 1 year mula sa iyong pag-register:

Panalomove Offer

Price 

Notes

24/7 Telehealth Service c/o Kitika Healthcare Inc.

Free

-

Eye Exam c/o Sarabia Optical

Free

-

Up to 20% Discount on Frames and Lenses c/o Sarabia Optical

Discounted

-

(2) Online Mental Health Counseling Sessions c/o MyGolana Philippines Inc.

Free

-

Paid add-ons - optional 

Price Notes

Telehealth Family Plan ***

₱650

one-time payment

Maxicare EReady Advance
Inclusions: 50K Emergency with Confinement + Unlimited Check-up via Maxicare-affiliated hospitals within Metro Manila only

₱3,900

₱650/month
Payable in 6 mos.

Personal Accident Insurance with
Motor Vehicle Benefit

₱1,500

₱250/month
Payable in 6 mos.

Life and Personal Accident Insurance
without MV Benefit

₱1,200

₱200/month
Payable in 6 mos.

COVID19 Life and Hospitalization Benefit

₱900

₱150/month
Payable in 6 mos.

Hi-Precision Complete Physical Check-up

₱699

one-time payment

*** Coverage: Partner Driver + Spouse + 2 children
Cost per additional dependent: +₱250

 

Kung qualified Partner Driver ka, hintayin lang ang SMS mula sa ALLCARE. Kung hindi ka pa qualified, wag mag-alala dahil pwede mo pa din itong makuha, Partner — sipagan lang ang pagkuha ng orders at tiyak na mapapasayo ang benefit na ito!

 

Gusto mo rin ba ng delivery driver benefits?

Mag-sign up na

Read more

Need to book a delivery?