9/07/2025
07/09/2025
Delivery Driver
Facial Recognition Guidelines

Ang Facial Recognition feature ng Lalamove ay nagsisiguro ng account security para sa mga driver at clients.
Sa pamamagitan nito, tinitiyak ang kaligtasan ng platform, na nagreresulta sa mas maaasahang serbisyo at kalidad ng app. Alamin lahat dito!
Hindi ka pa ba Lalamove driver?
Ano ang dapat gawin kapag lumabas ito sa Driver App?
- Sundin ang instructions na lalabas sa screen.
- Pindutin lamang ang "START" kung handa na para sa feature na ito.
- 'Wag magsuot ng face mask, salamin, o anumang makakaharang sa iyong mukha.
- Tiyaking may maayos na ilaw sa paligid kung saan makikita ang iyong mukha nang malinaw.
- Magsuot ng maayos na damit para sa feature na ito (Bawal ang nakahubad, naka-sando).
- Siguruhing hindi blurred ang magiging resulta ng facial recognition.
Gaano katagal ang feature na ito?
Tatagal lamang ito ng 20 segundo.
Tuwing kailan ito lalabas sa Driver App?
Ito ay random na lalabas sa iyong Driver App kaya't laging maging handa para sa feature na ito.
Ano ang mangyayari pagkatapos kong magpasa ng litrato para sa Facial Recognition?
Dadaan ito sa fraud check at review ng Lalamove management.
Patuloy na makakakuha ng bookings ang mga driver na pasado sa facial recognition check, ngunit kung hindi, maaaring mawalan ng access sa Lalamove Driver App at agad na magpunta sa pinakamalapit na Lalamove Hub.
Hindi ka pa ba Lalamove driver?