Partner Ko ‘To: LALAlove Stories

Basta Lalamove Partner Driver, sweet lover!

Napakaraming pwedeng mangyari sa bawat biyahe — sa kalagitnaan man ng traffic o sa kasagsagan ng matulin na takbo ng mga sasakyan. Hindi mo rin masasabi ang bawat sorpresang nakaabang sa pick-up o drop-off location mo, Paps. Buti na lang, laging handa ang masisipag at gwapong Partner Drivers sa Lalamove! Narito ang iilang kwento ng pag-ibig - mga magkasintahang nagkakilala dahil sa Lalamove at mag-asawang mas pinagtibay ang pagsasama naman ni Lalamove! Tunghayan natin ang iba’t ibang kwento ng ating Lalamove Partner Drivers!

 

TAMIS NANG UNANG TINGIN

Isa na namang araw nang pagsusumikap at may babaeng nag-book ng delivery kay Partner Mark noon. Nang makarating siya sa pick-up location niya at makita ito, namangha siya sa ganda niya. Medyo nahiya rin siyang kausapin ang customer pero naglakas-loob na lang rin siya at naging propesyunal. Nang magkausap sila ng harapan, nalaman niyang bulaklak pala ang ipapadala sa kanya papuntang Malabon. Natawa si customer sa kanya at bigla ring nagparinig na sana naman i-text siya pag na drop-off na ang mga bulaklak. Doon nagsimula hanggang sa nagka-ligawan na sila at araw-araw na rin silang magka-text kapag bumabiyahe si Partner Mark! ‘Kay sarap naman bumiyahe ‘pag may nagsasabi sa’yo ng, “Ingat!”. Sino ba namang hindi gaganahan on-the-road?

ffcfd31789f0-FB_IMG_1502934560348 (2)

“Maraming salamat sa Lalamove at nahanap ko ang love life ko."
- Mark Chester Chan, Lalamove Partner Driver

#POWERCOUPLE BA KAMO?

Ito si Partner John at ang asawa niyang si Rhonalyn. Naibahagi ni Partner John na sa unang booking niya pa lang ay sobra na siyang na-inspire bumiyahe. Napakasarap daw sa pakiramdam na magbigay serbisyo lalo na’t bukal sa kalooban niya ito. Dahil dito, nakapag-ipon na rin sila at nakapagpatayo ng sariling small business! Kapag bumabiyahe si Partner John, ang asawa niya naman ay nagbu-book rin sa Lalamove upang maipadala ang items naman ng customers nila. Pagbalik ni Partner John galing biyahe ay tumutulong na rin siya ulit sa small business nila. Tunay nga ang kasabihang “‘pag may tiyaga, may nilaga”! Dahil sa kasipagan nila at sa suporta sa isa’t isa, nakapagpundar na rin ang mag-asawa ng sarili nilang motorcylce! ‘Yan ang #PowerMove ng ating #PowerCouple.

04dca16cba53-20220112_181026 (2)

“Maraming salamat, Lalamove! Dahil sa’yo, nakapag-move ako sa buhay at nakabili ako ng sarili kong motor.”
- John A Sibal, Lalamove Partner Driver

 

'PAG MAY TIYAGA, MAY NILAGA.

Isa sa mga kinasisiyahan ni Partner Rhodel bilang Lalamove Partner Driver ang mga oportunidad sa bawat delivery na makapunta sa mga lugar na hindi niya pa napupuntahan. Ang hindi niya alam ay mayroon pa lang daan papunta sa puso ng magiging live-in partner niya ngayon!

Love at first sight ang nangyari, ayon kay Partner Rhodel. Online seller ang customer niya noon na madalas niyang kunan ng booking. Unang kita nila, kakaibang tibok ng puso ang naramdaman niya. Makalipas ng ilang araw, nakakuha siya ulit ng booking sa kanya. Iba ‘yung saya ni Partner Rhodel kapag may pick-up sa kanya. Sa dalas niya doon, nagkakabiruan na sila hanggang sa hindi nila namamalayang nagiging seryoso na sila sa isa’t-isa. Inamin niya ang tunay niyang nararamdaman ngunit nagkaroon pa rin siya ng doubt at patuloy niya lang kinekwestyon ang sarili niya. “Sino ba naman ako? Isang simpleng tao lang na hindi rin naman gwapo, sabi ng iba,” sabi ni Partner Rhodel. Pero kahit ganoon, dinaan niya na lang sa tiyaga. Surprise visit nang may kasamang pasalubong! At ngayon, live-in partners na sila. Ang lakas mo, Partner Rhodel! Hindi lang source of income ni Partner ang Lalamove – source of love life pa!

2506ebf84699-20220120_092140

“Ngayon, live-in partner ko na siya dahil sa pagiging Lalamove Driver ko."
- Rhodel Salva, Lalamove Partner Driver

 

Napakarami talagang sorpresang hatid ng buhay hahanap-hanapin ka ng tadhana. ‘Pag para sa’yo, tiyak na darating ‘yan sa tamang oras! Tagumpay man ‘yan o kakaibang saya, basta’t dala ng pag-ibig.

Tulad ni Partner Mark, Partner John at Partner Rhodel, sila ay nagsumikap at sinabayan ng pasensya kada-biyahe. Talaga nga namang panalo ka sa Lalamove!

 

Ikaw, anong kwentong on-the road mo?

Ibahagi mo na rin ang iyong Partner Ko 'To moment!

Share mo na 'yan!

 

Gusto mo rin bang maging isang Lalamove Partner Driver?

MAG-SIGN UP NA TINGNAN ANG MGA BENEPISYO

 

Read more