Delivery Driver

Driver Service Quality Score

featured image

Bossing! Alam mo ba kung ano ang Service Quality Score?

Ito ay pag-evaluate ng iyong performance sa driver account at compliance sa Lalamove Guidelines bilang Partner Driver na maaaring maka-apekto sa pagkuha mo ng orders.

Sa paraang ito, mas masisiguro ang secured at patas na platform para sa lahat, user man o driver.

 

Enhancing-Service-quality-for-Users--

 

Ano ang maaaring gawin para ma-improve ang Account Score?

  • Kumpletuhin ang deliveries nang naaayon sa Lalamove Community Guidelines.
  • Patuloy na pagsunod sa Lalamove Code of Ethics
  • Iwasan ang invalid order cancellations at order-taking violations

 

Ano ang pinagkaiba ng Driver Service Quality Score at Driver Rating?

– Ang Service Quality Score ay ang overall compliance ng Partner Driver sa Lalamove Community Guidelines. (Poor, Good, Fair, Excellent)
– Ang Driver Rating ay ang summary ng user satisfaction based sa kanilang experience sa delivery service ng Partner Driver. (1-5 star rating)

 

Ano ang maaaring mangyari kung mababa ang Service Quality Score ng isang Partner Driver?

Maaari itong maka-apekto sa mga orders na matatanggap mula sa Driver App.




Bakit nababawasan ang score ng isang Partner Driver?

Maaaring maka-apekto ang cancelled bookings o may na-violate sa Lalamove Community Guidelines o Lalamove Code of Ethics ang Partner Driver.

 

⚠️ TIYAKING MASUNOD SA LAHAT NG ORAS ANG ORDER-TAKING GUIDELINES AT LALAMOVE POLICIES.

 

 

 

TANDAAN:
- Makaka-apekto sa Service Quality Score ng Partner Driver ang mga invalid cancellations kaya't tiyakin na valid ang bawat cancellation o cancellation appeal.
- May tatlong araw pagkatapos ng cancelled booking para mag-appeal at may tatlong araw ang Lalamove para i-review ang iyong appeal. Kung valid ang iyong reason, automatic na maa-adjust ang iyong service quality score.
- Maaari lamang mag-appeal ng cancellation kung naapektuhan nito ang iyong Service Quality Score. Kung walang "REQUEST REVIEW" sa napiling booking, ibig sabihin ay hindi ito nakaapekto sa iyong score.

 

tips driver kirim dekorasi pernikahan

 

 

Hindi ka pa ba Lalamove driver?

REGISTER NA

 

Read more