Singko Sorpresa: Unlimited Saya sa 5th Anniversary ng Lalamove

Kakaibang saya ang hatid ng 5th Anniversary Celebration ng Lalamove nitong November 2021. Nagkaroon ng iba't-ibang driver activities at mas naging espesyal pa dahil ito ang kauna-unahang livestream ng Lalamove na dinaluhan ng 10,000 viewers online mula Metro Manila, Pampanga, hanggang Cebu!

Kasabay ng nag-uumapaw na sorpresa, namahagi din ng special prizes ang Panalomove Elite Partners gaya ng Caltex, Seaoil, Phoenix, at Posh, kasama ng Platinum Partners tulad ng Unioil, CIMB, Ropali, Denovo, Super Miler, Lala AutoShop, Alpine Motors Corp, Stronghold Insurance at Standard Insurance. Hindi rin nagpahuli ang Gold Partners gaya ng Ministop, AAP at Aguila Auto Glass kasabay ang Care Partners tulad ng Prestone, Alaska, Great Taste, McDonalds, Maxx, Clorox, C2, Nips, Red Ribbon, Alaska, Summit, Cobra, Vitamilk, Mentos at Anlene.
 
Salamat sa mga nasabing Panalomove Partners at napakaraming surPRIZES ang natanggap at talaga namang ikinatuwa ng mga Partner Drivers.



Sinimulan ni Lalamove Philippines Managing Director Dannah Majarocon ang selebrasyon sa pagsambit ng taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Partner Drivers, sa kanilang limang taong serbisyo at pagtutulungan para maiangat ang isa't isa.


“Ngayong limang taon na ang Lalamove, patuloy naming pagsisikapan ang pag-unlad ng inyong experience bilang isang Partner Driver sa pamamagitan ng pag-improve ng ating Driver App, benefits, at pagdami ng demand.”

Dannah Majarocon, Lalamove Philippines Managing Director

252185373_1129422550795780_4670361536637376502_n
Limang taong saya, limang sorpresa hatid ng Lalamove!
Anu-ano nga ba ang mga sorpresa na ito? Ating balikan ang buong buwang selebrasyon:

SORPRESA TREATS & PRIZES
Bilang pagsalubong sa ating Anniversary Month, namigay ng gift bags na naglalaman ng iba’t ibang mga produkto mula sa mga special partners gaya ng Alaska, Asia Brewery, Clorox, Mentos, Universal Robina Corporation (URC), at marami pang iba. Mahigit 8,000+ Partner Drivers ang nakatanggap ng loot bags. Nagkaroon rin ng FREE Mcdo Burgers para sa unang 5,000 Partner Drivers! Siyempre, mayroon ring iilang mga Sorpresa Treats na maituturing na “lucky bags” dahil sa nilalaman nitong special Lalamove merchandise tulad ng tumblers, pillows, shirts, gift certificates, at iba pa!

SORPRESA STOP
Todo ang saya dahil mahigit 400+ Partner Drivers ang sumali sa bawat Pitstop Activity! Pinuntahan nila ang bawat Lalamove Elite Partners tulad ng Caltex, Seaoil, Phoenix at Posh upang makapaglaro at humakot ng prizes kada challenge. Dahil diyan, bawat linggo ay may nag-uwi sila ng pa-premyo. Fuel benefits ba 'ka mo? Tingnan ang buong detalye dito

SORPRESA SHOUTOUT
Sumali rin sa kasiyahan ang newest members ng LalaFam na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga! Sinorpresa nila ang ating mga Partner Drivers sa pag-Shoutout sa mensahe ng 10 maswerteng Partner Drivers na napili ng Lalamove mula sa napakaraming nagpadala ng kanilang mga message para sa kanilang minamahal.

SORPRESA PARTY
Ginawa rin natin ang kauna-unahang Lalamove #SorpresaParty Facebook Livestream para sa Lalamove Partner Drivers sa buong bansa! Mahigit 10,000+ viewers ang nanood at nakisaya kaya naman napakarami ring Partner Drivers ang nakahakot muli ng pa-premyo mula sa participating Panalomove Partners. Dito rin inanunsyo ang GRAND RAFFLE winners na nakatanggap ng brand new Motorcycle powered by Ropali

Maliban dito, inabangan ng lahat ang virtual event sa kadahilanang ito na rin ang huling Virtual Star Driver's Recognition ngayong taon kung saan kinilala at binigyang pugay ang masisipag na Lalamove Partner Drivers mula Metro Manila, Cebu, at Pampanga. Saludo kami sa inyo, Partner! Maaari niyong balikan ang masayang selebrasyon para sa ating magigiting na Star Drivers dito.

Panoorin ang #SorpresaParty Livestream dito:


SORPRESALAMAT PARTNER

Pasko na! Tuloy-tuloy lang ang selebrasyon kaya may hatid na Pamasko ang Lalamove para sa 100 Partner Drivers! May pagkakataon kang manalo ng SorpreSafe Gears, SorpreSalu-Salo Package, brand new motorcycle at sorpresang Pamasko para sa pamilya! Basahin ang detalye dito. Mag-sign-up na hanggang December 20, Partner!

Syempre, hindi magiging posible ang buong Singko Sorpresa Celebration kundi dahil sa mga Panalomove Partners na patuloy ang pagsuporta sa Lalamove Partner Drivers! Sila ang lubos na tumatangkilik sa sipag at tiyaga ng ating Star Drivers at itinodo rin nila ang kanilang mga sorpresang pa-giveaway!  

LOGOSSS

Kinilala naman ng Lalamove Philippines Senior Driver Operations Manager na si Mr. Alfred ang sipag at tiyaga ng mga  Partner Drivers lalo na ngayong pandemya kaya mas nakilala ang Lalamove bilang pangunahing delivery app ng maraming Pilipino.


“Sa pagsusumikap ninyo para sa inyong mga pamilya at sa inyong mga pangarap, kayo ay nagiging daan din sa patuloy na daloy ng ating ekonomiya kahit sa gitna ng pandemya. 'Yan ang totoong Panalo move!”

Alfred, Lalamove Philippines Senior Driver Operations Manager

 

Sa loob ng limang taon, sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon, kitang-kita ang pagkakaisa. Nasa Cebu, Pampanga, o Metro Manila ka man — saludo kami sa'yo, Partner! Nawa'y ramdam niyo rin ang init ng suporta namin sa inyong sipag at dedikasyon. Hanggang sa muling kwentuhan at kasiyahan dito lang sa Virtual Star Driver's Recognition!

 

Gusto mo rin bang maging isa sa mga Lalamove Partner Driver?

Mag-sign up na

Read more