Bakit kailangan ng Vehicle Stickers?

Bossing, kailangan mo na ba ng vehicle sticker? Maging legit na Lalamove Partner Driver at palakihin na ang iyong kita!
Ang Lalamove sticker size ay iaayon sa kategorya ng iyong sasakyan at isang araw lang din natatapos ang pagkakabit — 30 minutes para sa 1,000kg, 1 hour para sa 2,000kg, 2 hours para sa 3,000kg, at 3 hours para sa 7,000kg. Narito ang iilan sa mga dahilan kung bakit importanteng lagyan ang gamit mong sasakyan ng Lalamove sticker.
Gusto mo ba makita ang mga exclusive Lalamove Driver Benefits?
LALAMOVE VEHICLE STICKERS
Magkaron na ng Lalamove stickered vehicle para ma-enjoy mo na ang mga sumusunod:
• EKSLUSIBONG BENEPISYO
Kapana-panabik na Panalomove discounts, freebies, at coupons ang naghihintay sa'yo.
• MAY BUWANANG BAYAD SA STICKER
Kumita ng dagdag na kita hanggang Php 1,500 kada buwan o katumbas ng Php 18,000 sa isang taon.
• PRIORITY KA
DOBLE ang chance makakuha ng mas maraming orders 'pag may Sticker. Maging una din sa pagkuha ng orders sa Driver Selection advantage at Area Filter Selection.
Mas mabilis ang booking process at mas malaki ang kita! Ikaw ang bossing. Tingnan kung paano ang magkaron ng Lalamove stickered vehicle. Ang kontrata ng sticker ay good for at renewable for 12 months. Kapag tinanggal mo ang sticker habang hindi pa natatapos ang contract period, makukumpiska ang iyong cash bond dahil sa paglabag ng sticker agreement.
STICKER RETENTION CHECK
Ito ay ang pag-check ng mga dinikit na Lalamove Stickers sa sasakyan ng driver kada buwan. Kinakailangang magpasa ang mga driver ng mga larawan ng kanilang sasakyan sa pamamagitan ng kanilang Lalamove driver app. Makakatanggap ng text message ang driver na nagpapaalala na kailangan niyang mag-upload ng litrato para sa sticker retention.
Pumapasok ang Sticker Advertising Fee sa Driver's E-wallet at maaari mo ring i-withdraw sa iyong GCash account. 'Pag nag comply ka sa Sticker Retention, siguradong makukuha mo ang Sticker Advertising Fee.
PROSESO NG STICKER RETENTION CHECK
Paalala: Sa pagkuha ng larawan, mangyaring gawin ang hand gesture point sign. Ang sign ng hand gesture sign ay magbabago bawat buwan.
Para siguradong aprubado na, tingnan ang larawan sa ibaba:
Maaari ka ring magpapalit ng sticker kapag ito ay kumupas dahil sa panahon, sa tagal nang nakakabit, o dahil sa aksidente. Magpalagay na ng Lalamove vehicle sticker para mas lumaki pa ang kita. Secured ka dito, Bossing!
Gusto mo rin ba maging Lalamove Partner Driver?