Paano i-register ang sim card bago ang deadline?
Bossing, na-register mo na ba ang sim card mo?
Ayon sa Department of Information and Communication Technology (DICT), extended hanggang July 25, 2023 para i-register ang ating mga sim. Inannounce ito kamakailan ayon sa report ng Philippine News Agency. 'Pag hindi mo na-register ang iyong SIM bago ang deadline, made-deactivate ang iyong mobile number.
Para maiwasan ang anumang aberya sa iyong delivery driver job, i-register mo na ang iyong sim! Mabilis at madali lamang, promise.
'Di ka pa rin ba sigurado kung saan magsisimula? Maliban sa lagi kaming driver hiring dito sa Philippines, andito kami para makatulong at magbigay ng sagot sa mga tanong mo, Bossing!
Steps para i-register ang SIM
Narito ang mga steps para mai-register mo ang iyong SIM sa iyong network.
Para sa mga Globe at TM users, sundin lamang ang mga sim card registration steps na ito:
-
I-click ang SIM registration website.
-
Ilagay ang iyong 10-digit mobile number (ex. 9171234567) at i-click ang “Register” button.
-
Kung eligible kang mag-register, makakatanggap ka ng One Time Pin (OTP) text message sa iyong mobile phone.
-
I-enter ang iyong 6-digit OTP sa registration website. Paalala: mag-eexpire ang iyong OTP expires sa loob ng limang minuto.
-
'Pag na-validate na ang iyong OTP, pwede ka nang mag-proceed sa iyong registration.
-
I-enter lahat ng impormasyon sa mga required fields: Name, Birthday, Gender, Address, at Nationality
-
Mag-selfie at piliin ang type of government ID na kailangang ma-upload. I-click ang "attach" button para ma-upload ang copy ng iyong valid government ID.
-
I-tick ang checkbox para mag-agree sa Privacy Notice and Attestation of Completeness and Accuracy ng Globe.
-
I-click ang "Submit" button para tapusin ang registration process.
-
May reference number na lilitaw sa iyong screen para kumpirmahin na kumpleto na ang iyong registration. Itago ang reference number (i-screenshot) bilang proof of registration.
Para sa mga Smart at TNT users, sundin lamang ang how-to-register-my-SIM-card steps na ito:
-
I-click ang SIM registration website.
-
Ilagay ang iyong 10-digit mobile number (ex. 9171234567) at i-tick ang box para mag-agree sa Terms & Conditions at Privacy Notice ng Smart.
-
Kung eligible kang mag-register, makakatanggap ka ng One Time Pin (OTP) text message sa iyong mobile phone.
-
I-enter ang iyong 6-digit OTP sa registration website. Paalala: mag-eexpire ang iyong OTP expires sa loob ng limang minuto.
-
'Pag na-validate na ang iyong OTP, pwede ka nang mag-proceed sa iyong registration.
-
I-enter lahat ng impormasyon sa mga required fields: Name, Birthday, Gender, Address, at Nationality
-
Mag-take ng selfie at piliin ang type of government ID na kailangang ma-upload. I-click ang "attach" button para ma-upload ang copy ng iyong valid government ID.
-
I-click ang "Submit" button para tapusin ang registration process.
-
Makakatanggap ka ng SMS kasama ang Control Number bilang confirmation na kumpleto na ang iyong registration. Itago ang reference number (i-screenshot) bilang proof of registration.
Para sa mga DITO users, sundin lamang ang mga sim card registration steps na ito:
-
I-download ang DITO app at i-click ang SIM registration banner.
-
Kumpletuhin ang form at i-enter lahat ng impormasyong sa mga required fields: Name, Birthday, Gender, Address, at Nationality
-
Mag-take ng selfie at piliin ang type of government ID na kailangang ma-upload. I-click ang "attach" button para ma-upload ang copy ng iyong valid government ID.
-
Ilagay ang matatanggap na One-Time Pin (OTP).
- I-click ang "Submit" button para kumpletuhin ang process.
-
I-screenshot ang Confirmation Page bilang proof of registration.
Naghahanap ka ba ng part-time job bilang delivery rider? Hiring sa Lalamove!
Frequently Asked Questions tungkol sa SIM Card Registration
Naiintindihan naming nakaka-intimidate o nakaka-pressure ang nalalapit na deadline ng SIM card registration. Gaya ng sabi ko sa una pa lang, andito kami para makatulong! Narito ang sagot sa kalimitang mga tanong tungkol sa SIM card registration.
Ano ang SIM Registration Act?
Ang SIM Registration Act ay nire-require na LAHAT ng SIM cards ay mai-register sa kanilang telco providers bilang requirement para sa kanilang activation. Ang registration na ito ay naglalayong proteksyunan ang mga consumers sa mga illegal na activities tulad ng mobile scames, smishing, phishing, at fraud.
Kailan ko pwedeng i-register ang SIM ko?
Nagsimula noong December 27, 2022 ang SIM registration. Matatapos ito sa July 25, 2023. Maaaring mag-register ang mga SIM card users bago ang nasabing deadline. Bisitahin lamang ang SIM Card Registration websites ng inyong kani-kanyang telco providers para makapag-comply sa SIM Registration Act.
Para ma-register mo ang iyong SIM, narito ang mga Telco Registration websites:
- GLOBE SIM Card Registration Website
- SMART SIM Card Registration Website
- DITO SIM Card Registration Website
Kailangan ko bang i-register ang SIM ko kung Postpaid subscriber ako?
Oo, dahil iba-iba ang guidelines ng mga Telco providers para sa registration ng mga postpaid subscribers. Bisitahin ang website ng inyong Telco providers para sa buong impormasyon.
Kailangan ko bang i-register ang SIM ko kahit na Verified Lalamove Driver na ako?
Oo, kailangan mong i-register ang iyong SIM sa iyong Telco provider. Ang mga Telco providers lang ang authorized na mangalap ng impormasyon at mag-register ng iyong SIM. Ang SIM Card Registration Act ay pinoproseso at minomonitor ng kani-kanyang Telco provider.
Anong pwedeng mangyari sa Lalamove Account ko kung hindi ko ma-register ang aking SIM?
Secure pa rin naman ang iyong Lalamove Driver account sa app, pati na rin ang iyong earnings na hindi mo pa naca-cash out.
Pero required ka pa ring i-register ang iyong SIM sa iyong Telco provider bago ang July 25, 2023 deadline. Kung hindi, made-deactivate ang iyong SIM. Kung mangyari ito, kailangan mong i-relink ang iyong Lalamove Driver account gamit ang isang registered na SIM.
Para sa karagdagang impormasyon, mag-message sa Lalamove Driver App Live Chat o magpunta sa aming mga opisina sa Quezon City, Makati City, Cebu City, Angeles City sa Pampanga, at sa Laguna.
Anong mangyayari sa Lalamove Account ko kung maging successful ang SIM card registration ko?
Secure pa rin ang iyong Lalamove Driver account at maaari mo itong patuloy na gamitin para tumanggap ng orders mula sa clients. Ang SIM registration mo ay para masigurong ang mobile number na registered sa iyong Lalamove Driver account ay active.
Bukod sa mga driver partner opportunities sa Manila, merong ring driver hiring in Pampanga at driver hiring in Cebu. Tara na sa samahang walang katulad bilang Lalamove Bossing!
Gusto mo bang maging Lalamove Bossing Driver?