Bilang isang Lalamove driver, araw-araw ay may mga bagong hamon sa kalsada.

Pero gaano man ka-busy ang biyahe, mahalaga pa ring panatilihin ang respeto, kalmadong disposisyon, at tamang asal sa pakikitungo sa ibang tao.

Narito ang ilang paalala para sa lahat ng delivery rider, motor driver, truck driver, at lady rider na gumagamit ng Lalamove application.

 

 

 

 

Lalamove Driver Trip Tips

 

🙏 Maging Kalmado at Magalang

Itrato ang kapwa kung paano mo gustong itrato ka nila.  

May mga sitwasyong masusubok ka, hindi galit ang makakapag-resolba ng mga problema, lalo na sa kalsada.

Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang agresibong pakikitungo, reaksyon, o pananalita. Kasama na rito ang: 

  • Pagmumura o panlalait 

  • Hand gesture na nagpapakita ng aggression o pagiging bayolente


I-report agad ang anumang hindi kanais-nais na insidente sa Lalamove—mapa-delivery rider, motor driver, truck driver, o lady rider ka man.

Kung ikaw ay naagrabyado, nasaktan, o nakaranas ng hindi kaaya-ayang karanasan habang nasa biyahe, gamitin ang Lalamove in-app live chat para agad itong mai-report.

 

 

⚠️ Maging Mapanuri sa mga Illegal Items

Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-deliver ng mga sumusunod (kasama na ang mga illegal goods):

  • Narcotics (Illegal na droga)

  • Open Alcohol Containers

  • Weapons at Firearms 

  • Industrial Waste

 

 

🚨 Maging alerto at i-report ang kahina-hinalang deliveries.

Kung ikaw ay isang motor driver, truck driver, o lady rider na may napansing kahina-hinalang delivery, maging masuri.

Kumpirmahin sa customer via in-app chat ang detalye ng parcel bilang recorded documentation sakaling may aberya sa delivery. Agad i-report sa Lalamove at awtoridad kung may sapat na dahilan upang paghinalaan na ang parcel ay labag sa ating guidelines.

 

 

🙅 Tandaang labag sa delivery legal regulations ang pag-transport ng tao. 

Ipinagbabawal ang pagsasakay ng pasahero sa lahat ng oras.

Tanging Sedan at SUV lamang ang pwedeng gumamit ng ride-hailing service kapag naka-LALARIDE mode ang Lalamove driver app.

 

 

TINGNAN PA ANG IBANG DRIVER TRIP TIPS DITO:

✔️ #DiskarTips para sa good Customer Experience

✔️ Lalamove Ride Biyahe Checklist: Handa sa Kalsada

✔️ 2025 BLOWBAGETS: Mga Dapat Tandaan sa Daan

✔️ Mga Kailangan ng isang Lalamove Partner Driver

 

 

cara mengatasi tantangan sebagai driver

 

❌ THINGS NOT TO DO AS A PARTNER DRIVER

  • BAWAL ipagamit, ipahiram, o ibenta ang Lalamove account.

  • BAWAL i-complete ang booking hangga't hindi pa naibigay ang delivery item sa drop-off client.

  • BAWAL pagsabayin ang food at non-food items para maiwasan ang contamination.

  • BAWAL maningil ng karagdagang payment na hindi tugma sa nakasaad sa Lalamove app.

  • BAWAL i-share o i-post sa social media ang mga personal information ng clients o kapwa driver.

 

Ang lahat ng ito ay labag sa Lalamove Community Guidelines at Code of Ethics. Tignan pa ang Dos & Don'ts: Cancellation, Account Selling, Insurance, atbp. Maging tapat at gawin ang dapat!

 

 

✅ THINGS TO DO AS A PARTNER DRIVER

  • Mag-ingat sa mga tumatawid. Tumingin sa paligid at magbigay-daan sa mga pedestrian para maiwasan ang aksidente.

  • Mag-focus sa daan. Huwag gumamit ng phone habang nagmamaneho. Iwasan ang pagte-text o pag-chat.

  • Magsuot ng protective gear. Laging magsuot ng helmet, seatbelt, at iba pang safety gear para sa iyong kaligtasan.

  • Gumamit ng signal light. Gamitin ang signal light bago lumiko para mabigyan ng babala ang ibang motorista.

  • Sundin ang speed limit at ligtas na distansya. Magmaneho sa tamang bilis at panatilihing may sapat na agwat sa ibang sasakyan.

  • Panatilihing maayos ang sasakyan. Regular itong i-check gamit ang B.L.O.W.B.A.G.E.T.S. para siguradong ligtas sa biyahe.

 

 

DRIVER TRIP TIPS (1)

 

ORDER TAKING GUIDELINES
  1. I-confirm ang order details sa client (Booking Number, Pick up and Drop Off Point at Item na idedeliver)

  2. Ugaliing gamitin ang in-app chat sa anumang concern.

  3. I-report via in-app chat kung may suspicious transaction.

  4. I-double check ang items kung may sira, yupi, o punit.

PRIORITY ORDER TAKING GUIDELINES
  1. Tiyaking ma-deliver "AGAD' at maayos ang items.

  2. Hindi maaaring magsabay ng ibang booking kapag ang idedeliver ay perishable tulad ng food items.

  3. Pumili lamang ng order na ayon sa iyong ruta.

  4. Sundin at intindhin ang additonal service at special request ng client.

  5. I-update ang client sa anumang abala at status ng delivery.

 POOLING ORDER TAKING GUIDELINES
(Kung magsasabay ng more than 1 booking)

  1. Tiyaking may sapat na space sa iyong vehicle at secured ang delivery items.

  2. Tiyaking along the way ang delivery locations para hindi maabala at madelay ang delivery. 

  3. Humingii ng pahintulot mula sa clients. Iwasan ang pagsabay kung walang pahintulot. 

  4. Hindi maaaring magsabay ng ibang booking kapag ang idedeliver ay perishable tulad ng food items.

  5. I-double check ang delivery items at tiyaking maibigay sa tamang client.

 

 

freepik__an-asian-delivery-man-wearing-an-orange-cap-and-ja__94943

 

Tandaan: Bilang delivery rider, ikaw ang mukha ng serbisyo. 


Sa pagiging mahinahon, responsable, at magalang bilang isang delivery rider, motor driver, truck driver, o lady rider, mas pinapalakas mo ang tiwala ng customers sa serbisyo.

Gamitin nang tama ang Lalamove driver app para sa maayos at propesyonal na biyahe.

Ride safe, bossing!

 

 

 

 

Simulan ang iyong journey bilang Partner Driver!

REGISTER NA