Delivery Driver

Paano kumita ng 51K bilang Sedan driver ng Pampanga?

featured image

 

Posible bang kumita ng extrang ₱51,000 sa Lalamove? 

Kilalanin si Bossing Joseph Jade Punsalan, isang kahanga-hangang full-time Lalamove sedan driver on hire sa Pampanga na nagpatunay na kung meron kang diskarte, tiyaga at sipag, makakamit mo ring kumita ng ₱51,000 sa isang buwan!

Hindi lang posible kundi abot-kamay pa ang tagumpay! Kaya kung naghahanap ka ng driver job hiring sa Pampanga, baka ito na ang dagdag kita na kailangan mo.

Alamin ang diskarte ni Bossing Jade para masundan mo rin ang yapak niya kung paano kumita ng ganito kalaki!

 

 

SEDAN-01

Gusto mo rin bang kumita nang malaki?

REGISTER NA

 

 

JADE-OUTSIDE-SEDAN

Kilalanin si Bossing Jade: Pampanga's Top Earning Sedan Driver


September 2021 nung nagsimula si Bossing Jade sa Lalamove bilang motorcycle driver.

April 2024 naman, nag-upgrade na siya to sedan para mas safe daw ang kanyang mga biyahe.

Nang tanungin siya kung paano na-discover ang Lalamove, "Nung namatay ang wife ko, ang gusto ko nalang ay magpasyal-pasyal noon para magpahangin. 'Pag ganon kasi nawawala yung lungkot ko. Ang nangyari, umikot lng ako, may nasa harap akong Lalamove motor. Tinanong ko yung driver ano ang mga pinapadala tapos pagka sabi niya sakin, pumunta na rin ako para mag-sign up. Sa gulat ko, na-aprove ako agad sa araw na ;yun din! Mabilis lang ang processing." 

Sinubukan niya rin agad kumuha ng booking!

"1st at 2nd booking, nag-enjoy ako. Dahil doon, hindi na ako naghanap ng ibang trabaho kasi dito, legal na, hawak ko pa oras ko. Kaya dapat sipagan mo para kumita ka." sabi ni Bossing Jade.

 

 

"Ako kasi, kung sino yung unang nag tiwala, doon ako. Katulad ni Lalamove, tinanggap niya ako nung una, kaya pinagkatiwalaan ko rin na kaya ako bigyan ng income."

- Bossing Jade, Lalamove Sedan Driver

 


Kitang-kita naman kay sa kanya ang tagumpay dahil isa rin si Bossing Jade sa mga paboritong vlogger ng Lalamove partner drivers sa social media!

 

 

LALAKIT_Icon6

#DiskartengJade

Paano niya nga ba nagawang kumita nang ganito kalaki sa loob ng isang buwan? Tingnan ang sariling diskarte ng top earning Sedan driver ng Pampanga na si Bossing Jade dito!

 

 

HERO VEHICLE: 200kg Sedan

Isa sa diskarte ni Bossing Jade bilang Lalamove driver ay ang pagpili ng tamang sasakyan. 

"Ang paborito kong nakukuha na booking ay Multi-stop Delivery. Ang kagandahan pag sedan, kahit 5 stops pa 'yan, hindi masyadong puno dahil sa capacity niya. Minsan kasi documents lang naman din ipapadala kaya magaan lang ang biyahe. Malaki pa ang kita." sabi ni Bossing Jade.

Pabor ang kapasidad ng sedan dahil kayang-kaya niya ang bigat hanggang 200kg! 

Isa rin sa mga inuugali niya ay ang hindi pagsabay ng food at non-food deliveries, "Para mas makapaghatid ng quality service sa sedan, huwag rin  ipagsabay ang food at non-food para iwas food contamination." sabi ni Bossing Jade.

 

FAVORITE DRIVER FEATURE

Nagiging "Favorite Driver" ka kapag nagustuhan ni customer ang iyong serbisyo.

At dahil maraming satisfied customers si Bossing Jade, fine-favorite driver nila ito sa app.

Kwento ni Bossing Jade, kahit cheke, pinagkakatiwala ito sa kanya dahil. "Mas gusto ko na sa'yo kasi pag ikaw driver ko, hindi ako naloloko." dahilan ng customer niya kung bakit siya ang napiling favorite driver.

Saludo kami sa iyong katapatan, Bossing! Maliban sa GPS tracking ng app, mas nagtitiwala ang mga customer kapag alam nilang safe at transparent kayo sa kanila. Tingnan pa ang ibang Partner Driver #DiskarTips para sa good Customer Experience para magkaroon ng magandang rating at ma-favorite driver ka rin!

 

 

"Ang lagi kong mindset ay 'may binabayaran ako kaya kailangan ko sipagan sa araw na 'to.' kaya diskarte, tiyaga ar sipag ang 3 keys ko to success."

- Bossing Jade, Lalamove Sedan Driver

 


Dagdag pa ni Jade, "May isa pang delivery app service na nag offer sa akin pero tinanggihan ko ang opprtunity dahil sa loyalty ko sa Lalamove at masaya rin kasi akong bumabiyahe dito." 

 

 

 

LONG DISTANCE DELIVERIES

Isa sa mga diskarte ni Bossing Jade ay ang pagtanggap ng Long Distance Delivery orders.

Tatlong beses sa isang linggo, meron siyang Pampanga to Manila orders. Scheduled Delivery ang pinipili ni customer kaya naman nakakapag handa talaga siya bago ang araw o oras ng booking. 

 

 

"Ang kagandahan po kasi ni Long Distance Delivery, 15% ang commission. Mas malaki pa rin talaga kumpara sa short distance deliveries."

- Bossing Jade, Lalamove Sedan Driver

 

 

Dagdag pa niya, "Kung within Pampanga naman pero may kalayuan, San Fernando to Angeles, kukunin ko pa rin 'yun then along the way mabagal lang takbo ko o maghihintay ako 10 mins para may masabay na booking."

 

 

 

 

JADE-PORTRAIT


"Motivation talaga sakin ang Lalamove. Dati, pinapangarap ko lang sa motor. Ngayon, itong trabaho na 'to ang na-push sa akin na mag upgrade to sedan naman para mas safe at doble kita kaya sinipagan ko talaga through bookings. Kay sedan ko lang nakuha ang 2 consecutive top earner driver income."

- Bossing Jade, Lalamove Sedan Driver

 

 

 

 

Gusto mo na rin ba kumita nang extra?

REGISTER NA

 

 

icon-Tax-ID-REGIMEN

Work-Life Balance

Sa laki ng kinikita ni Bossing Jade bilang full-time Lalamove sedan driver, meron pa kaya siyang oras para sa sarili?

"Oo naman!" agad na pag kumpirma niya.

At dahil alam niya na rin ang galawan ng booking sa Pampanga, meron rin siyang mga diskarte sa oras ng pagtanggap ng order at pahinga.

 

 

"'Sa umaga, 8am lalabas na ako hanggang 12 ng tanghali kasi magsisilabasan na ulit yung bookings around 4pm. Kaya yung 1-3pm, 'yun na yung time ko para sa sarili ko. Uuwi muna ako. Pabor talaga kasi hawak mo talaga oras mo."

- Bossing Jade, Lalamove Sedan Driver

 

 

Dagdag niya pa, "Pero kahit nasa bahay, naka bukas lang din driver app ko so pag may malapit sa akin, kukunin ko na.  Kunyari, Mabalacat to Angeles, go ko na. Magkatabi lang din naman." 

 

 

delivery service in BD

 

Tulad ni Bossing Jade, kaya mo rin kumita nang malaki sa pagiging Lalamove sedan driver! Samahan mo lang ng sipag at tamang diskarte.

Tingnan pa ang ibang Partner Driver Testimonials dito:
Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?
Paano kumita ng 53K bilang 3000kg Truck Driver?
Paano kumita ng 38K bilang Motorcycle driver sa Cebu?


Kung naghahanap ka ng job hiring in Pampanga sa logistic industry, pwedeng-pwede dito! Tingnan ang Paano Maging Delivery Driver? para sa karagdagang impormasyon.

Isa pang diskarte, pwede ka na maging ride-hailing driver dito! Tingnan ang Paano Maging Ride Driver? para sa requirements. Kung Ride at Delivery driver ka na, mas sulit pa ang biyahe mo dahil marami kang pwedeng gamitin na Exclusive Panalomove Driver Benefits! Discounts galing sa partners na sumusuporta sa aming drivers.

Ano pang hinihintay mo? Kung meron ka 'ring 200kg sedan, ipasok mo na 'yan sa Lalamove, bossing!

 

 

 

SEDAN

Handa ka na ba maging Lalamove sedan driver?REGISTER NA

 

Read more

Need to book a delivery?