6sik Saya Ka Dito Bossing: 6th Lalamove Anniversary & Star Driver's Recognition

Bilang selebrasyon ng sixth anniversary ng isa sa kilalang same-day delivery service sa Pilipinas, nagbigay pugay ang Lalamove sa kanilang masisipag na partner drivers sa tatlong locations nito – Manila, Pampanga, at Cebu at tinawag itong "6sik Saya Ka Dito, Bossing!" 

 

Pitong delivery drivers ang nanalo ng bagong motorsiklo galing Alpine Motors Corporation, Mitsubishi, at GCash, habang ang iba naman ay nanalo ng appliances, smartphones, cash prizes, vouchers, at marami pang iba. Siksik, liglig at nag u-umapaw ang saya dahil meron din silang ekslusibong movie screening kasama ang kani-kanilang pamilya. 

 

 

Panoorin ang Star Driver's Recognition dito:

 

Binigyang diin ng Lalamove Philippines Pampanga City Manager, Marc De Dios, ang kahalagahan ng mga Lalamove Partner Driver at nagbahagi ng kaniyang pasasalamat:

 

"Kasama sa mga tradisyon ng Lalamove ang pagbibigay pugay sa mga kontribusyon ng aming partner drivers. Hindi madali ang trabahong ito dahil kailangan ng maraming pasensya at sipag. Dahil jan, sinasaluduhan ko mismo kayo, aming Lalamove Bossings!"

- Marc De Dios, Lalamove Philippines Pampanga City Manager

 

Congratulations to the Lucky Raffle Winners

Si Richard Tambiga, isang part-time MPV partner driver, ay kabilang sa masu-swerteng nanalo ng bagong motorskilo sa Cebu. "Lubos akong nagpapasalamat sa Lalamove dahil naging daan ito para kumita parin ng extra pag wala akong iskedyul sa regular kong trabaho." sabi niya.

 

Gusto niya ring hikayatin ang kapwa Lalamove Bossings sa delivery driver job na ito na mas magkaroon pa ng pasensya sa mga customers at "mag-kugi" (mag sumikap). Dagdag pa niya, "Sa Lalamove, basta mag sumikap ka, kikita ka ng higit pa sa kota mo kada-araw."

 

6siksaya-lalamove

 

Isang linggo bago ang Pampanga event, si Lalamove Bossing Kreavior Lapuz, ay na-aksidente at nasiraan ng ibang parte sa kanyang motorsiklo. "Sa bago kong motor, pwede na akong mag deliver ng hindi nag-aalala sa kaligtasan ko. Sana mas lumaki pa ang sakop ng Lalamove para mas marami pang Bossing ang maka-experience ng mga oportunidad at benepisyong nararanasan namin," sabi niya habang inaalala kung paano binago ng Lalamove ang buhay niya.

 

Rewarding Remarkable Partner Driver

lalamove-6siksaya

Sa loob ng anim na taon sa bansa, naka-buo ang Lalamove ng matibay na samahan ng partner drivers, sa pagkilala ng maaasahan at masisipag na itinuturing Star Drivers at Top Drivers. Ito ang mga Lalamove Bossing na nagpakita ng kapansin-pansin na serbisyo at nakapag panatili ng magandang customer ratings.

 

Ang Manila Star Driver na si Ariel Alulod ay dalawang taon na sa Lalamove. Ang kawalan ng trabaho dahil sa pandemya ang nakapag hikayat sakanya para maging partner driver at simula noon, nabigyan siya ng karangalan bilang Star Driver sa  consistent ito. "Gustong-gusto talaga naming nag ra-rides at road trip kaya naghanap kami ng paraan para pagkakitaan ang hilig namin," ibinahagi niya.

 

Simula noong dumating ang Lalamove sa Pilipinas, ito ay nag bibigay na ng kabuhayan sa mga Pilipino. Nakatuon lang ang Lalamove sa pagbibigay pugay at pag e-engganyo sa partner drivers na sila rin ay maging micro-entrepreneurs, maging Bossing ng kanilang mga sarili.

 

Engaging with Generous Brand Sponsors for 6sik Saya

lalamove-6siksaya-1

Naging posible ang selebrasyon na ito dahil sa suporta ng Lalamove brands sponsors tulad nina GCash, Konsulta MD, Alpine Motors Corporation, Mitsubishi, Unioil, Prestone, Tata Motors, Pilipinas Auto, Caltex, Seaoil, Pricelocq, Petron, Generika,United Home, URC, Philusa, Rebisco, Posh, Denovo, Mobil/Mckupler, LalaMall, at Lala Automotive. Bukod sa mga freebies, vouchers at raffle prizes, ibinahagi talaga ito ng mga sponsors para mapasaya ang mga driver. Ang iba pang brand na tumulong sa tagumpay ng kasiyahang ito ay ang Automobile Association of the Philippines, Super Miler, Great Taste, Blend 45, Nissin Cup Noodles, Vitasoy, Perfetti Van Melle, Mentos, at Leslie's.

 

Tuloy-tuloy lang ang pag siguro ng Lalamove na ang kanilang Lalamove Bossings ay nabibigyan ng mga benepisyong nararapat para sakanila habang may malaking kita. Laging hiring ng delivery drivers dito, part-time man o full time job man ang hanap mo! Ang Panalomove Driver Benefits ay ekslusibong perks para sa lahat ng Lalamove Bossings, dahil dito, nakakagamit sila ng fuel discounts, healthcare, vehicle insurance, maintenance and purchase, financing, gadgets and gears, at marami pang iba.  Mag sign-up na bilang partner driver at i-download na ang Lalamove Driver App. Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang Lalamove website para hindi mahuli sa balita. Pwede ring pumunta sa official Lalamove Facebook, Instagram at Tiktok account.

 

 

Marami nang nagdaang selebrasyon at dahil ito sa sipag, tiyaga, at determinasyon ng libo-libong Lalamove Bossing na nagsusumikap maghatid ng magandang serbisyo tapat at maaasahan. Tunay na 6sik sa saya dito sa Lalamove! Kayo ang tunay na bossing sa daan, bossing sa negosyo, at bossing sa pamilya.

 

 

 

Gusto mo rin bang maging isa sa mga Lalamove Partner Driver?

Mag-sign up na

Read more