Delivery Driver

Paano kumita ng 80K bilang Manila motor driver?

featured image

 

Posible bang makapag pagawa ng bahay, maka bili ng bagong motor at kumita ng ₱80,000 sa Lalamove? 

Kilalanin si Bossing Gerald C Paña, isang kahanga-hangang full-time Lalamove motorcycle driver on hire sa Manila!

Hindi lang posible kundi abot-kamay pa ang tagumpay! Kaya kung naghahanap ka ng driver job hiring sa Manila, baka ito na ang dagdag kita na kailangan mo.

Alamin ang diskarte ni Bossing Gerald kung paano kumita nang malaki para makatulong sa pamilya at maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay!

 

 

MOTOR copy

Gusto mo rin bang kumita nang malaki?

REGISTER NA

 

 

motorcycle-lalamove-driver-gerald

Kilalanin si Bossing Gerald: Manila's Top Earning Motor Driver


March 2021 nung nagsimula si Bossing Gerald sa Lalamove bilang motorcycle driver.

Pahinante at office messenger ang trabaho niya noon, nang tanungin namin siya kung paano na-discover ang Lalamove, dahil daw ito sa simpleng pag-aya ng kaibigan niya. "Sabi sakin 'mag-Lalamove ka na lang, mas maganda dito!' at simula nang nag Lalamove ako, never na ako nagipit." sabi ni Bossing Gerald.

Kitang-kita naman sa buhay niya ngayon ang ginhawa dahil sa mga biyahe niya araw-araw, umabot pa siya ng mahigit ₱80,000 sa isang buwan! 

Hindi lang 'yan dahil ngayong 2025, nakapag pundar na rin si Bossing Gerald para makatulong sa mama niya sa pagpapagawa ng bahay nila at nakapag ipon pa para maka bili ng isa pang motor na NMAX, binayaran niya lahat ito in cash! 'Yan ang tunay na bossing.

 

with house

"Sobrang laking tulong sakin ng trabaho na ito at nagpapasalamat ako sa Lalamove kasi kung hindi dahil dito, 'di ako makakapag paayos ng bahay, makakatulong sa mama ko, sa pamilya ko at pati yung pagbili ng bago kong motor."

- Bossing Gerald, Lalamove Motorcycle Driver

 


Abot-kaya ang pangarap basta kasama si Lalamove! Nakatulong ka pa sa mga naniwala at sumuporta sa'yo mula umpisa.

 

 

 

LALAKIT_Icon6

#DiskartengGerald

Paano niya nga ba nagawang kumita nang ganito kalaki sa loob ng isang buwan? Tingnan ang sariling diskarte ng top earning motorcycle driver ng Manila na si Bossing Gerald dito!

 

 

HERO VEHICLE: 2-Wheel Motorcycle

Isa sa diskarte ni Bossing Gerald bilang Lalamove driver ay ang pagpili ng tamang sasakyan. 

Dahil sa madaling dalhin ang motor sa daan, mas pabor ito sa kanya para makarami ng orders. Nang tanungin bakit sa Lalamove niya napili bumyahe araw-araw kesa sa dati niyang trabaho, ito naman ang kanyang sagot. 

 

 

G3-1

 

"Mas malaki pa rin kita sa Lalamove eh, kasi araw-araw talaga kumikita. Dati nagtatrabaho ako minimum wage lang talaga, pero simula nung nag Lalamove ako, naka ahon talaga ako. Ikaw kasi talaga gagawa ng pera mo dito."

- Bossing Gerald, Lalamove Motorcycle Driver




 

 

BUY FOR ME SERVICE

Isa sa mga diskarte ni Bossing Gerald ay ang Buy For Me service, kung saan may additional fee dahil nag a-abono muna yung driver para sa pabili ni customer.

 

 

"Pabor sa akin yung puro abono sa Buy For Me kasi may added fee! Kaya talaga mas malaki income ko dahil diyan. Kinukuha ko lagi yung bookings na 'yun. Kailangan lang talaga may puhunan ka kaya malaki naka ready kong pang abono in cash."

- Bossing Gerald, Lalamove Motorcycle Driver

 


Laging may naka handa na cash si Bossing Gerald sa mga posibleng Buy For Me bookings niya dahil kung mas maraming customer ang nagpapa abono, mas marami maiipon mo dahil sa added fee nito.

Dagdag pa niya na mabilis rin lumaki ang income niya dahil sa mga Surcharge. Bantayan maigi ang iyong app para malaman kung merong Surcharge notification para masulit ito ng husto!  

 

 

 

 

TAMANG RUTA

Kadalasan sa mga top earning drivers, kabisado na nila ang galaw sa daan kaya naman nagkakaroon sila ng sari-sariling ruta depende sa kanilang diskarte.

Para naman kay Bossing Gerald, dahil kumikita siya Buy For Me service, doon siya sa alam niyang maraming nagpapa abono na lugar.

 

 

"Ang ruta ko talaga ay Makati, Pasay, Tambo at BGC. Paikot-ikot lang ako sa mga lugar na 'yan kasi mas malakas abono diyan e."

- Bossing Gerald, Lalamove Motorcycle Driver

 

 

'Pag sinabay mo pa ito sa oras ng may Surcharge, siguradong mas makakapag ipon ka pa ng mas malaki! Inaaral talaga ni Bossing Gerald ang bawat diskarte.

 

 

 

solo 2


"Sa totoo lang, simula ng nag Lalamove ako, gumanda buhay ko at nabibili ko na mga gusto ko. Sipagan lang at samahan mo ng tiyaga!"

- Bossing Gerald, Lalamove Motorcycle Driver

 

 

 

 

Gusto mo ba maging Lalamove motor driver?

REGISTER NA

 

delivery service in BD


Tulad ni Bossing Gerald, kaya mo rin kumita nang malaki sa pagiging Lalamove sedan driver! Samahan mo lang ng sipag at tamang diskarte.

Tingnan pa ang ibang Partner Driver Testimonials dito:
Paano kumita ng 70K bilang Lalamove Partner Driver?
Paano kumita ng 51K bilang Sedan driver ng Pampanga?
Paano kumita ng 38K bilang Motorcycle driver sa Cebu?


Kung naghahanap ka ng job hiring in Manila sa logistic industry, pwedeng-pwede dito! Tingnan ang Paano Maging Delivery Driver? para sa karagdagang impormasyon.

Isa pang diskarte, pwede ka na maging ride-hailing driver dito! Tingnan ang Paano Maging Ride Driver? para sa requirements.

Kung Ride at Delivery driver ka na, mas sulit pa ang biyahe mo dahil marami kang pwedeng gamitin na Exclusive Panalomove Driver Benefits! Discounts galing sa partners na sumusuporta sa aming drivers.

Ano pang hinihintay mo? Kung meron ka 'ring motor, ipasok mo na 'yan sa Lalamove, bossing!

 

 

 

MOTOR copy

Handa ka na ba maging Lalamove motorcycle driver?

REGISTER NA

 

Read more

Need to book a delivery?