Partner Juan Fun Day: Lalamove Virtual Star Drivers Awards June 2022

Bilang pasasalamat sa ating Lalamove Star Drivers mula noong November 2021 hanggang ngayong April 2022, sila naman ang ating sinorpresa sa kani-kanilang mga bahay, dala ang package na kanilang reward at bilang pasasalamat sa kanilang outstanding performance! Kasama ang ating Panalomove Partners, ating binigyang-pugay ang ating mga hardworking Partner Drivers sa Metro Manila, Pampanga, at Cebu na kabilang sa panalong delivery driver job na ito.
 
Kaakibat ang temang "Partner Juan Fun Day", tayo naman ang nag-#LalamoveTheDistance para sa ating mga Star Drivers. Kasabay nito ay ninais rin nating makilala ang kanilang mga pamilya, sakto sa selebrasyon ng Father's Day ngayong taon.
 
Nakilahok rin sa selebrasyon na ito ang ating Panalomove Partners na patuloy na sumusuporta sa Lalamove at sa ating mga Partner Drivers, tulad ng GCash, United Home, FamilyMart, Denovo, Unioil, Lalamall, Caltex, McDonald's, Seaoil, Tyremart, AAG, Phoenix, at Shell.
 
Salamat sa mga nasabing Panalomove Partners at para sa nag-uumapaw na sorpresang natanggap at ikinatuwa ng mga Partner Drivers.
 

 


Ibinahagi ni Lalamove Philippines Managing Director Dannah Majarocon ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Partner Drivers, para sa kanilang pagsusumikap mula noon hanggang ngayon.


“Dahil sa inyong mga kwento, patuloy kaming nagpupursigi para makapagbigay ng Panalong Benefits para siguradong panalo pa rin sa kita. Nakaka-proud makita ang ating mga Star Drivers, Star Driver Awardees, at Bida Best Partners na nagbubunga ang kanilang pagsusumipagna nagbubunga ang kanilang pagsusumipag. Kaya keep it up, Partner! Nandito ang Lalamove para sabayan ka sa bawat hakbang ninyo tungo sa inyong mga pangarap.”

Dannah Majarocon, Lalamove Philippines Managing Director

 

Screen Shot 2022-06-22 at 12.16.20 PM

PARTNER JUAN FUN DAY

Kasama natin ang halos 10,000+ viewers ng Lalamove Virtual Star Drivers Recognition #PartnerJuanFunDay noong June 17, na nakisaya, nakitawa, at napaluha sa mga kwento ng ating kagila-gilalas na awardees.

Pinuntahan ng Lalamove representatives ang mga Bida Best Partners at Star Drivers sa Metro Manila, Pampanga, at Cebu kung saan nakilala din natin ang kanilang mga pamilya sa kani-kanilang mga tahanan. Sama-sama rin nating nakita ang pagbuhos ng rewards para sa ating Star Drivers mula sa ating Panalomove Partners sa nasabing livestream.

Bilang pasasalamat sa mga Cebuano Star Drivers at Bida Best Partners, ika ni Lalamove Cebu City Manager Nelson Judaya, "Kayo ang dahilan kung bakit mas lalong lumalago at tumatatag ang Lalamove. Inspirasyon kayo hindi lamang naming Lalafam, kundi nang bawat Pilipinong natulungan ninyo sa bawat biyahe bilang ating economic frontliners lalo na sa panahon ng pandemya. Salamat at congratulations, Partner!"
 
Para naman sa mga Star Drivers ng Pampanga, narito ang mensahe ni Marc De Dios, City Manager ng Lalamove Pampanga, "Marami man tayong nararanasang problema, mas lalo pa tayong lumalayag dahil sa tulad ninyong magiting, masipag, at maasahang mga Partner Drivers. Ikayu ing pundasyun na ning Lalamove ban lalu ya pang tumibe (Kayo ang pundasyon ng Lalamove para mas tumibay pa ang ating platform)."



Halina't ating balikan ang nakakataba ng puso na selebrasyon para sa ating inspiring na Star Drivers dito.

Panoorin ang #PartnerJuanFunDay Livestream


SALAMAT, PANALOMOVE PARTNERS!


Hindi magiging posible ang buong Partner Juan Fun Day kundi dahil sa ating mga Panalomove Partners na patuloy ang pagsuporta sa Lalamove Partner Drivers! Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa sipag at tiyaga ng ating Star Drivers, at sa mga rewards, promos, at discounts na inyong ibinuhos at patuloy na ibinibigay para sa kanila. 


Logos

Bilang pagkilala sa ating mga Partner Drivers na nagsilbing economic frontliners ngayong pandemya na nakatulong sa pagkakakilanlan sa Lalamove bilang leading on-demand delivery app sa Pilipinas, narito ang pasasalamat ng Lalamove Philippines Senior Driver Operations Manager na si Alfred.


“Hindi matutumbasan ng kahit ano pa mang premyo ang taos-pusong pasasalamat sa inyo ng Lalamove. Sana'y nabigyan namin kayo ng kasiyahan at parangal sa aming munting paraan. Ang inyong tagumpay ay aming ipinagbubunyi dahil sa inyong pagkanalo, marami tayong pwedeng makamit.”

Alfred, Lalamove Philippines Senior Driver Operations Manager

 

Sa  halos anim na taon, anuman ang sitwasyon, patuloy ang dedikasyon at serbisyo natin kasama ang ating Partner Drivers. Saan ka man nagdedeliver, sa Metro Manila, Cebu, o sa Pampanga man, kayo ang aming inspirasyon upang magpatuloy. Nandito kami bilang inyong kaakibat sa delivery driver job na ito, Partner. Hanggang sa susunod nating selebrasyon, kwentuhan, at kasiyahan dito lang sa Virtual Star Driver's Recognition!

 

 

 

Gusto mo rin bang maging Lalamove Partner Driver?

Mag-sign up na

Read more